Sunday, July 18, 2010

first love

first time kong maranasan to
natataranta at speechless ako
bakit nga ba tuwing makikita ka?
napapatalon sa sobrang saya

hindi kita crush, lagi kong sinasabi
pero laging nasa isip, umaga hanggang gabi
pag nakikita ka, di ako makahinga
kinikilig ako at tumatawa ng mag-isa

talaga namang ika'y nakakaadik
pag walang pasok, sayo'y nasasabik
kahit lahat ng girls ay gusto ka
ayos lang sakin at patuloy na umaasa

crush lang ba o love na kita?
basta gusto ko lagi kang makita
honestly, ngayon ko lang na-feel to
pag naiisip ka, tumitibok ang heart ko

ikaw ang bumubuo sa aking araw
kaya nga lagi sayong sumisilay ng panakaw
masakit mang isiping may girlfriend ka na
satisfied na ko maka-text lang kita

tigilan na natin ang kalandiang ito
kahit sa panaginip, hindi magkakatotoo
masisilayan ka naman ng tatlong taon
kaya gagawin ka na lamang inspirasyon.

No comments:

Post a Comment